Nabisto ng Department of Energy (DOE) na ilang gasolinahan sa Cebu at Bohol ang sangkot sa overpricing.
Kasunod ito ng reklamo ng mga consumer na umaabot sa P90 hanggang P100 ang presyo ng kada litro ng gasolina sa nasabing mga lalawigan.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, binalaan na nila ang mga nabistong gasolinahan na nag o-overprice.
Aniya, pinagsabihan na rin nila ang mga tumatayong middleman na nagbebenta rin ng produktong petrolyo.
Tiniyak din ni Fuentebella na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa karampatang aksyon laban sa mga mapang-abusong negosyante.
Facebook Comments