
Binatikos ng civil society groups ang tinaguriang “ghost seats” sa Bangsamoro Parliament bunsod ng Bangsamoro Autonomy Act o BAA 77 na isang batas na ipinasa 44 na araw bago ang halalan.
Ayon kay Abdulah Macapaar alyas Commander Bravo na isa sa mga miyembro ng parliament ng Bangsamoro ang pitong dagdag na upuan sa Parlamento ay walang malinaw na proseso kung ito ba ay ihahalal o itatalaga lamang.
Aniya, kung appointment ang mangyayari, tiyak na papabor ito sa mga political dynasty at mawawala ang tunay na mandato ng mamamayan.
Iginiit din nila na lumalabag ang batas sa Konstitusyon at Bangsamoro Organic Law dahil nalilito ang mga botante at sumisira sa kasaysayang halalan ng BARMM.
Kaugnay nito, hiniling ng iba’t ibang grupo sa Korte Suprema na ipatigil ang pagpapatupad ng BAA 77 at nanawagan na huwag pakialaman ang eleksyon at hayaan ang tao ang pumili.









