Ilang grupo, may panawagan gobyerno na tutukan ang ibang suliranin ng bayan kasabay ng kaarawan ni Pangulong Marcos

Nagkasa ng protesta ang grupong Power for People Coalition (P4P) sa Mendiola upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente, kasabay ng pagdiriwang ng ika-68 kaarawan ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa grupo, tila nakakaligtaan na ang suliranin na ito na lubos na nagpapahirap sa ordinaryong pamilyang pilipino.

Sinabi ni Gerry Arances, convenor ng grupo, sa loob ng tatlong taon na panunungkulan ng pangulo ay lalo lamang naghirap ang mga konsyumer dahil sa mataas na singil sa kuryente.

Binatikos din ng grupo ang pagpabor ng administrasyon sa coal at gas, na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina kung saan pinapaburan ng gobyerno ang mga anti-consumer contract at inaabuso ang sektor ng enerhiya.

Giit pa nila, hindi lamang climate crisis ang dahilan ng pagbaha kundi pati na rin ang korapsyon sa sektor ng enerhiya kaya’t nais nila itong maimbestigahan.

Bantay-sarado naman ng MPD ang paligid ng Mendiola upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan maging ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments