Ilang grupo na kontra political dynasty, nagkasa ng protesta sa Comelec

Nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo na kontra sa political dynasty sa labas mismo ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec).

Hiling ng grupo na i-disqualify ng Comelec ang mga kakandidato sa midterm elections na may kapamilya o kamag-anak na nakaupo sa pwesto.

Giit ng grupo, wala naman nangyayari kung patuloy na uupo ang bawat miyembro ng pamilya o kaanak kung saan lalo lamang lumalala ang korapsyon at paghihirap ng bawat Pilipino.


Bukod dito, nais din nilang isulong ang pagsasagawa hybrid elections sa halip na automated.

Ito’y upang maging transparent at masigurong walang dayaan na magaganap.

Facebook Comments