Nakatakdang magsagawa ng “send-off rally” ang ilang kritiko ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte patungong Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Ito ay ilang araw bago ganapin ang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.
Kabilang sa mga grupong magra-rally ay ang; Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), iDEFEND, Movement Against the Anti-Terrorism Act (MATA), Kabataan party-list, Sanlakas, at Akbayan.
Maliban dito, inaasahang magsasagawa rin ng protesta ang iDEFEND at MATA sa Commission on Human Rights na matatagpuan din sa Commonwealth Avenue.
Ilan sa mga hinaing na ipapaabot ng mga magpoprotesta ay ang; pagiging bigo ni Pangulong Duterte sa pagtupad ng mga pangako nito, resulta paglaban sa iligal na droga, kontraktwalisasyon, isyu sa West Philippine Sea, pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pa.