
Nagsagawa ang ilang grupo ng kilos-protesta dito mismo sa harapan ng bahay ng mga Discaya sa Barangay Bambang, Pasig City.
Ayon kay Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) Spokesperson Jonila Castro, kailangan ay mapanagot ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya dahil sa mga maanomalyang flood control projects.
Kasama ng grupo ang mga flood survivors at environmental groups.
Literal na kinalampag ng grupo ang gate ng St. Gerard Construction General Contractor and Development Corporation na pag-aari ng mag-asawang contractor.
Pagkatapos nito ay tinapunan ng putik at sinulatan ng mga katagang magnanakaw ikulong ang gate ng opisina.
Samantala, labis namang ikinadismaya ni Pasig Chief of Police Col. Hendrix Mangaldan ang ginawa ng grupo na pinturahan at tinapunan ng putik ang gate ng compound ng mga Discaya.
Pumalag din ito sa pahayag ng grupo na nasa area ang mga pulis para sa mga Discaya at hindi para sa proteksiyon ng mga raliyista.









