Ilang grupo, nananawagan na huwag haluan ng politika ang pagbibitiw ni Mayor Magalong sa ICI

Naniniwala ang ilang mga grupo na hindi na dapat bigyan ng kulay politika ang pagbibitiw ni Mayor Benjamin Magalong bilang consultant ng Independent Commission for Infrastracture (ICI).

Ayon kay Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Filipinos Do Not Yield Movement, malinaw naman ang sinabi ni Magalong na ang pagbibitiw nya ay upang pangalagaan ang integridad ng pamahalaan kontra korapsyon.

Nabatid na unang kumalat ang video ni Eric Celiz kumg saam sinabi nya na ang pag-alis ni Magalong ay dahil umano sa panggigipit mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pero sinabi ni Goitia na wala itong katotohan habang kinontra din niya ang isang pang pahayag ni Celiz na gusto na umano ng Pangulo na itigil ang imbestigasyon.

Nanawagan din sya na huwag isabit ang Sandatahang Lakas sa mga kuwento ni Celiz kung saan paalala pa niya na may hangganan ang freedom of expression.

Facebook Comments