Patuloy na nanawagan ngayon ang ilang grupo ng mga mangingisda sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mabilisang assessment sa mga reclamation project sa bahagi ng Manila Bay.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, natatagalan na umano sila sa ginagawang assessment ng ahensya, mayroon pa ring pangangailangan na ipatigil ang lahat ng mga ginagawang reclamation project sa Manila Bay.
Ayon pa sa grupo, rehabilitasyon at pagsasaayos na ang kailangan dahil sa nasirang reefs ecosystem sa lugar.
Matatandaang sinabi ng DENR na higit anim na buwan pa bago sila makapagbigay ng inisyal na ulat sa nasabing reclamation project.
Facebook Comments