Umapela ang ilang grupo ng mga guro sa Department of Education (DepEd) na bigyan sila ng sapat na pahinga kasunod ng pagbubukas ng panibagong school year sa susunod na buwan.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition National Vice Chairperson Olivia de Guzman, simula pa noong Hunyo 2020 ay hindi pa nakakapagbakasyon ang karamihan sa mga guro.
Aniya, malaking preparasyon kasi ang ginawa ng mga guro noong unang pagbubukas ng blended online learning at ang buwan ng Agosto at Setyembre ay dapat na nakalaan para sa kabilang bakasyon na batay sa umiiral na batas.
Pero sa halip na nagpapahinga, patuloy pa rin ang pagtatrabaho ng mga ito dahil magbubukas na ang klase sa Setyembre 13.
Dagdag pa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), sa halos 13 buwang walang tigil na pagtatrabaho ay hindi rin nila nakukuha ang mga benepisyong nararapat para sa kanila.