Ilang grupo ng mga kababaihan, nagkasa ng kilos-protesta sa Maynila

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang grupo ng mga kababaihan ngayong selebrasyon ng International Women’s Day.

Mula sa Recto ay nag-martsa ang grupong Pagkakaisa ng Kababaihan para sa Kalayaan (KAISA KA) at Liga ng mga Organisasyon ng Kababaihang Nagkakaisa (LORENA-KAISA KA) patungo sana ng Mendiola pero naharang sila ng mga pulis.

Panawagan nila na patuloy na ipagbunyi ang mga kontribusyon ng kababaihan sa buhay at ekonomiya ng lipunan.


Bukod dito, nais din nilang mapanatili ang lahat ng batayang karapatan at walang humpay na kumilos upang makamit ang patas na katayuan sa lipunan na ligtas sa banta ng giyera, kahirapan at gutom na siya ngayong nararanasan ng kababaihan sa iba’t ibang bansa.

Nais din nilang ipahatid sa pamahalaan ang kakulangan sa serbisyo tulad ng malinis na tubig, kuryente, kalusugan at trabaho.

Giit ng grupo, sa gitna ng krisis na nararanasan ay nagagawa pang lokohin at pinipilit na pumirma (People’s Initiative) para sa kakarampot na ayuda upang itulak ang Cha-cha.

Muli nilang ipinapanawagan na hindi Cha-cha ang solusyon sa kasalukuyang sitwasyon kungdi maglaan ng mga proyekto at program na tutugon sa mga ptoblema ng taumbayan.

Facebook Comments