Ilang grupo ng mga kabataan, nagkasa ng rally sa Mendiola sa Maynila

Nagkasa ng madaliang kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan sa Mendiola, sa lungsod ng Maynila para kalampagin ang administrasyong Marcos hinggil sa isyu ng krisis sa pagkain, agrikultura at iba pa.

Pawang mga miyembro ng National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth at Kabataan Partylist, ang nagtungo sa Mendiola kung saan may bitbit sila na tinatawag nilang “party cake” na sumisimbolo umano ng marangyang “lifestyle” ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa gitna ng nararanasang problema ng bansa.

Ayon sa grupo, nakikiisa ang mga kabataan sa mga magsasakang Pilipino na naghihirap at patuloy na lumalaban para sa kanilang karapatan.


Giit nila, dito lamang sa ating bansa na walang sariling lupa ang mayorya sa mga magsasaka, gayung sila ang nagtatanim at nagtitiyak ng pagkain.

Hindi tanggap ng grupo na mismong ang mga magsasaka ang nagugutom, gayung sila ang nagpo-produce ng mga pagkain para sa publiko.

Panawagan pa nila sa Pangulong Marcos, na siyang Agriculture Secretary, kumilosna lalo’t batay umano na nakikita ngayon ng mga tao ay wala siyang ginagawa para sa sektor ng agrikultura at krisis sa pagkain.

Higit 100-araw na rin si Pangulonh Marcos sa Palasyo, pero wala pa rin daw konkretong hakbang, at may ibang inaatupag.

Facebook Comments