Ilang grupo ng mga manggagawa, ikinatuwa ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima

Ikinalugod ng Partido Manggagawa ang pansamantalang paglaya ni Senador Leila de Lima.

Sa isang pahayag,sinabi ni Renato Magtubo, Chairperson ng Partido Manggagawa, na ang paglaya ni De Lima ay tagumpay ng lumalaban para sa malayang pagpapahayag.

Matagal din aniyang inaantay ng labor movement ang pananaig ng hustisya para kay De Lima.


Nakalulungkot na natagalan ang kalayaan ni Senadora dahil pinipigilan umano ng makapangyarihang grupo na nasa likod din ng pagpapakulong sa dating senador.

Ani Magtubo, dapat bumalik muna sa kaniyang pamilya si De Lima para makaipon ng lakas para sa mga susunod niyang laban.

Facebook Comments