Hindi na nakalapit pa ng Mendiola ang grupo ng mga manggagawa matapos silang maharang ng mga pulis sa may bahagi ng Recto na halos tapat ng University of the East.
Nabatid na nag-martsa ang grupo na pinangunahan ng Buklurang Manggagawang Pilipino (BMP) mula España Boulevard kung saan kanilang panawagan na tutukan sana ang isyu sa sweldo ng ordinaryong manggagawa.
Hiling nila na sana ay maipatupad ang dagdag-sahod lalo na’t patuloy ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin.
Ang kasalukuyang sahod din ay malayo sa tinatawag na family living wage at ang minimum wage ay mas mababa o hindi nalalayo sa poverty line.
Kanilang iginigiit na tutukan ang problema sa sahod ng mga manggagawa lalo na’t hindi na kakayanin pa ang pamumuhay at mas lalong nahihirapan ang sitwasyon ng mga ordinaryong pamilya.