Ilang grupo ng mga ospital, pinag-aaralan kung tatapusin na ang partnership sa PhilHealth

Pinag-aaralan na ng ilang grupo ng mga ospital kung tatapusin na nila ang partnership sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay kasunod ng inilabas na circular ng PhilHealth kung saan ipatitigil muna ang pagbabayad ng claims habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga ospital at healthcare providers.

Ayon sa Philippine Hospital Association, Philippine Medical Association, at Private Hospitals Association, nagdulot na ng lamat sa partnership nila ng PhilHealth ang kakulangan nito ng pagtitiwala sa kanila.


Sa kabila nito, tiniyak ng tatlong grupo na patuloy nilang pagsisilbihan ang mga pasyenteng covered ng PhilHealth hangga’t nananatili ang kontrata na matatapos ngayong Disyembre.

Facebook Comments