Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na muling nagpositibo sa COVID-19 ang mga indibidwal na nakarekober na sa Delta variant.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, siyam na local Delta variant case at limang Returning Overseas Filipinos (ROFs) ang nakarekober na ang muling nag-quarantine at nagpositibo sa COVID-19.
Batay sa binagong protocols, ang mga indibidwal na gumaling na matapos magpositibo sa mga variant of concern ay kailangang sumailalim muli sa 14 na araw na quarantine at COVID-19 testing.
Habang tutukuyin naman ang mga close contacts ng mga muling magpopositibo sa COVID-19.
“So binalikan po natin itong mga local cases natin at ito po ay atin pong kwinarantin [quarantined] muna po sila lahat hanggang lumabas ang kanilang resulta dahil nag-retest tayo sa kanila. Among the initial results that we have received, mayroon po sa kanilang nag-positive pa rin, tsinitsek natin ang CT values and they will remain to be isolated until they turn negative after 14 days,” ani Vergeire.