Ilang guro, nag-rally sa DepEd para ipabasura ang Matatag curriculum

Screenshot from Alliance of Concerned Teachers (ACT) FB live

Nag-rally sa harap ng Department of Education (DepEd) ang ilang guro at DepEd personnel na kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ito ay para hilingin ang pagbasura sa Matatag curriculum na anila’y dagdag-pasanin sa kanila.

Ayon sa mga guro, lalong nadadagdagan ang kanilang trabaho pero hindi naman tumataas ang kanilang sahod.


Ginawa ng mga guro ang kanilang pagkilos pagkatapos ng kanilang klase.

Ipinatupad ang Matatag curriculum bilang bahagi ng pagpapa-angat sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Facebook Comments