Puspusan ang naging paghahanda ng hanay ng Public Order and Safety Office at ang City Disaster Risk Reduction Management Office ng lokal na pamahalaan ng Dagupan bilang pakikiisa sa naganap na Gilon Gilon kahapon.
Ang hanay ng POSO Dagupan, ay naging abala sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga kakalsadahan, bantayan at baklasin ang mga nagaganap na trapiko lalo na sa mga bahaging may rerouting o ang alternatibong daan.
Nasa higit walumpo namang mga POSO Enforcers ang naroon sa kani-kanilang inatasang bahaging babantayan at ayon sa mga ito handa ang pamunuan ng POSO Dagupan.
Mayroon ding sinet-up na mga tents na nagsilbing water at first aid station ng mga kalahok sa sayaw sakaling mauhaw at makaranas ng mga pagkapagod o iba pang di inaasahan na mga pangyayari na nangangailangan ng paunang lunas. |ifmnews
Facebook Comments