Ilang heads of state, inaasahang darating ng bansa ngayong araw para sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Inaasahang darating na ng Pilipinas simiula ngayong araw ang siyam na heads of state para sa gaganaping ASEAN Summit sa Sabado.

Kabilang sa mga dadating ay si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah para sa kanyang dalawang araw na state visit na susundan pa ng mga lider ng Laos, Cambodia, Thailand, Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam at foreign minister ng Myanmar.

Ayon kay Task Force ASEAN 2017 Operations Officer, Chief Supt. Noel Paraceros – nagsagawa na ng dry-run para sa gagawing paghahatid-sundo sa mga delegado.


Pero dagdag ni Paraceros, sa paghatid-sundo ng mga delegado, asahan aniya ang pansamantalang pagpapatigil ng traffic habang dumadaan ang convoy.

Tiniyak naman ni AFP spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – walang seryosong banta sa mga gaganaping aktibidad para sa ASEAN ngayong Linggo.

Layon ng ASEAN Summit na pagtibayin at palaguin ng economiya, kultura at kaunlaran ng mga member states sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan at pakikiisa.
DZXL558

Facebook Comments