Ilang health experts, suportado ang planong imbestigahan ang pagkasayang ng COVID-19 vaccine sa bansa

Suportado ng mga doktor ang isinusulong na imbestigasyon ng ilang mambabatas sa pamunuan ng Department of Health (DOH) kaugnay ng mga na-expire na bakuna laban sa COVID-19.

Para kay Philippine College of Physicians Immediate Past President Dr. Maricar Limpin, mahalaga na magkaroon ng transparency at accountability ang anumang tanggapan ng pamahalaan.

Ayon pa kay Limpin, pagkakataon na rin ito upang masilip ang mga problema sa vaccination rollout at magbigay ng solusyon upang tugunan ito.


Sakali mang mapatunayang na may kapabayaan ay posibleng hindi na muli makatanggap ang bansa ng donasyon mulka sa COVAX facility.

Maituturing namang korapsyon para sa health advocate na si Dr. Tony Leachon ang pag-aaksaya ng pera sa panahon ng krisis.

Nauna nang sinabi ni dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na na-expire ang P5.1 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines na nasa pribadong sektor dahil huli na ang pagpapalabas ng guidelines ng DOH para ipamahagi ang second booster.

Sa kabilang banda, sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na handa ang kagwaran na humarap sa imbestigasyon at iginiit na pasok sa itinakdang 10% threshold ng World Health Organization (WHO) ang vaccine wastage sa bansa.

Facebook Comments