Ilang health station sa Valenzuela City, pansamantala munang isasara sa publiko

Inihayag ng Valenzuela City Government na simula bukas, Agosto 9, pansamantalang isasara sa publiko ng Valenzuela City Health Office ang ilan sa mga health station sa lungsod.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, ilan kasi sa mga doctor at health personnel ay itatalaga sa COVID-19 vaccination at isolation sites.

Dahil dito, magiging limitado na lamang sa 14 ang health station na bukas sa publiko para magbigay ng serbisyong medikal.


Kabilang dito ang Marulas Health Center, Karuhatan, GTDL, Ugong Health Center, Malinta at Viente Realis Health Station, Punturin at Malanday Health Center.

Hbang patuloy rin ang operasyon ng Balangkas at Bignay Health Center, Paso de Blas Health Station, Maysan at Dalandanan Health Center at Canumay West Health Station.

Facebook Comments