Bilang pag-iingat sa patuloy na banta ng COVID-19 ay pansamantalang isasara sa publiko simula ngayong araw ang ilang health stations sa Lungsod ng Valenzuela.
Ayon sa Pamahalaang Lokal, ang mga doktor at health personnel na nakatalaga sa nabanggit na health station ay ililipat sa central isolation site.
Pero tiniyak naman ng Valenzuela City Government na mayroon pa ring mapupuntahan para sa konsultasyon at iba pang serbisyong medikal.
Kinabibilangan ito ng mga 3s Center sa Marulas, Karuhatan, Gen. T. De Leon, Ugong, Punturin, Dalandanan, Malanday, Balangkas, Bignay at Maysan.
Bukas din ang mga health stations sa Gen. T. De Leon 1, Malinta, Veinte Reales, Lingunan at Paso De Blas.
Ang nabanggit na mga 3s Centers at health stations ay bukas tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.