Ilang health workers nagkilos protesta sa harapan ng PGH upang idulog ang problema sa understaffing

Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang health workers, mga estudyante ng University of the Philippines (UP), miyembro ng academe at mga pasyente sa harap ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Ito ay upang tutulan ang public-private partnerships at nalalapit na pagpili ng bagong PGH director kung saan muling susubok si Dr. Gerardo Legaspi para sa kaniyang ikaapat na termino.

Ayon sa all U.P. Workers Union-Manila/PGH, nawawalan ng access sa basic healthcare ang ginagawang privatization ngayon sa pagamutan sa ilalim ng kasalukuyang namumuno.


Problema rin daw ngayon sa ospital ang pamamahala gaya ng understaffing, at mga polisiyang hindi umano makatarungan para sa mga empleyado.

Samantala, nakatakdang pumili ng bagong director ng PGH sa gaganaping Board of Regents meeting sa November 28.

Facebook Comments