Ilang health workers, nagsagawa ng online protest bilang pagtutol sa mga bagong polisiya ng DOH

Nagsagawa ng online protest kahapon ang ilang health workers mula sa iba’t ibang ospital sa bansa para tutulan ang mga panibagong polisiya ng Department of Health (DOH).

Una rito ang pagpapaikli sa quarantine at isolation days ng mga healthworkers na may makakasalamuha o positibo sa COVID-19.

Ayon sa the Alliance of Health Workers, nagdudulot lamang ng kalituhan ang panibagong protocols ng DOH at umaapela sila na ibalik sa 14 araw ang quarantine at isolation period.


Matatandaang sinabi ng doh na ipinatupad ang bagong protocols upang maiwasan ang kakulangan ng mga tutugon sa mga maysakit sa mga ospital.

Samantala, muli ring binatikos ng grupo ang One COVID-19 Allowance na layong gawing risk based ang matatanggap na benepisyo ng health workers.

Paliwanag ng grupo, hanggang sa ngayon ay hindi pa nga nababayaran ang lahat ng healthcare workers ng kanilang karampatang COVID-19 benefits sa ilalim ng Bayanihan 2.

Facebook Comments