Ilang healthcare workers, muling nagkasa ng rally sa tanggapan ng DOH

Muling nagkasa ng kilos protesta ang mga healthcare worker mula sa pampublikong hospital sa tanggapan ng Department of Health (DOH).

Ito’y upang ipanawagan ang allowances at benepisyo sa pagta-trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa nagkilos protesta ay mga health worker mula sa Tondo Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center at mga miyembro ng Alliance of Health Workers.


Muling kinukuwestiyon ng mga nagkilos-protesta si Health Sec. Francisco Duque III dahil sa hindi pa naibibigay na 70% na bahagi ng ipinangako nitong allowances at benepisyo para sa mga nagtatrabaho ngayong may pandemya.

Iginigiit ng mga health worker kung bakit hindi pa ito naibibigay ng DOH gayong sa press releases ni Duque ay ipamamahagi na raw ito sa lalong madaling panahon.

Tanong ng ilan sa health workers, ano ang gagawin ni Duque sa naiwang higit sampung bilyung pisong pondo bilang Special Risk Allowances (SRA) at Hazard Pay ng mga health worker.

Dahil dito, hiling nila na umalis na lamang o tanggalin na sa pwesto si Duque bilang kalihim ng DOH dahil puro kapalpakan ang mga ginagawa nito kasabay pa ng pagkakasangkot sa mga anomalya at kwestyonableng paggamit ng pondo.

Facebook Comments