Ilang healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 sa Parañaque City, naka-isolate na

Umaabot sa 40 na healthcare workers ang nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Lungsod ng Parañaque.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, naka-isolate na ang mga nagpositibong health workers at naghihintay na lamang ng resulta ng kani-kanilang confirmatory test.

Nasa 333 na mga doktor at health providers ang nakatalaga sa iba’t ibang hospital at quarantine facility sa lungsod kung kaya’t sinabi ng alkakde na nais ng lokal na pamahalaan na tutukan ang kaligtasan at kalusugan ng mga ito.


Umabot naman sa 3,321 na residente ng lungsod ang sumailalim sa rapid mass testing kung saan 95 percent sa kanila ay nag-negatibo sa COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 481 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod at 88 ang nakarekober habang 33 ang nasawi dahil sa virus.

Tuloy-tuloy pa din ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaan habang nire-review din nila kung ilan sa mga pamilya sa lungsod ang hindi pa nakakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program ng gobyerno.

Facebook Comments