Nasa 80 healthcare workers ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ang sumasailalim sa quarantine.
Ito’y matapos silang ma-expose sa mga kasamahan sa nasabing ospital na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, Spokesperson ng PGH, kasalukuyan silang nagdadahan-dahan sa operasyon dahil karamihan sa kanilang tauhan ay naka-quarantine.
36 sa nasabing bilang ng na-expose sa virus ay nagmula sa Department of Anesthesiology kaya’t naapektuhan ang pagsasagawa ng major procedures.
Muli ring iginiit ng UP-PGH na hindi na isinasara ang operating room pero nagdahan-dahan lang sila ng kanilang operasyon.
Umaasa ang pamunuan ng PGH na sa loob ng dalawang linggo o higit pa ay unti-unting maibabalik sa normal ang kanilang operasyon.
Nabatid na anim sa 80 health personnel na naka-quarantine ay nagpositibo sa COVID-19 pero lahat sila ay nakakaranas ng mild symptoms.