Naibigay na ang ilang kahilingan ng mga bayan sa ikaapat na distrito ng Pangasinan na pinaunlakan ng tanggapan ni Board Member De Guzman ng 4th District pagkatapos magpakita ng suporta sa naganap na selebrasyon ng Pindang Festival at Women’s month.
Naipamahagi ang mga ito mga barangay ng ilang bayan maging sa mga eskwelahan. Ilan lamang sa mga naibigay ay ang Solar Lights for Brgy Bisal sa bayan ng Manaoag, semento para sa Brgy Bagong Pag-asa ng San Jacinto, jetmatic water pumps para sa Brgy Talogtog sa Mangaldan, Monobloc Chairs para sa Brgy Sagud Bahley sa San Fabian, at Binday National High School, mayroon din sa Brgy Poblacion at Brgy Embarcadero sa Mangaldan.
Naisakatuparan din ang hiling ng tulong pinansyal para sa North Central Elem. School sa bayan ng San Fabian at Bantayan Integrated School and Pugo-Palua Elem. School sa bayan naman ng Mangaldan.
Bahagi pa rin ito ng pagpapatuloy ng mga proyekto at programa para sa pag-unlad ng mga bayan sa ikaapat na distrito. |ifmnews
Facebook Comments