Ilang hog raisers na apektado ng ASF, humihingi ng tulong sa gobyerno

Umapela ang ilang hog raisers sa pamahalaan na tulungan silang sugpuin ang nagpapatuloy na African Swine Fever (ASF).

Ayon sa pangulo ng Pampanga’s Hog Raisers Association na si Wency Tangcongco, marami na sa mga hog raisers ang tumigil na sa kanilang hanapbuhay dahil sa pagkalugi at kawalan ng kita.

Aniya, kung tutulungan sila ng gobyerno sa pagsugpo ng ASF, makakatulong sila sa pagbalik ng dami ng suplay ng baboy at pagpapababa ng presyo nito sa mga pamilihan.


Facebook Comments