SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Namahagi ng 45 piglets ang Department of Agriculture sa labing limang hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever sa lungsod ng San Fernando sa La Union.
Layunin nito na matulungan ang mga hog raisers sa epekto ng ASF sa ilalim ng Swine Production Recovery.
Ayon kay Dr. Flosie Decena, ang City Veterinary Officer, siniguro ng kanilang tanggapan na ASF-FREE ang mga baboy matapos dumaan sa 40 days monitoring.
Nagsagawa din ng backyard disinfection and cleaning ang kagawaran sa mga benepisyaryo. Dahil sa kakulangan ng suplay ng karne ng baboy sa region 1, pumapalo sa 300-380 ang per kilo nito.
Samantala, nakatanggap din ang mga hog raisers ng feeds supply at bitamina para sa alagang hayop.###
Facebook Comments