Ilang humahabol sa huling araw ng voter registration, natulog na sa ilang COMELEC registration site

Para tiyaking hindi maabutan ng cut-off, minabuti na ng ilan Pilipino na matulog na lamang sa mga voters registration site para makakapagparehistro para sa 2022 elections.

Ayon sa ilang voter registrant, ilang araw na silang pumipila ng maaga at umaasang makakapagparehistro na pero lagi pa ring naabutan ng cut-off.

Dismayado rin ang ilan dahil kailangan pa nilang pumasok ng kanilang trabaho at umaapela para sa mas maayos na queue management system.


Pero depensa ni Pasig Election Officer Felton Sadang, noong una ay nagbibigay sila ng numero sa kada indibidwal na darating pero ilan sa mga ito ang pabalik-balik para humingi ng number para sa kanila pang mga makasama.

Tinawag naman na last minute syndrome ng election officer ng district 1 sa Marikina City na si Datumama Macaindig ang ganitong ugali ng mga Pilipino.

Aniya, sa huling linggo ng pagpaparehistro na lamang din ang mga ito dumagdagsa para magpatala.

Facebook Comments