Sumugod sa Pasay prosecutors’ office ang nasa higit 20 miyembro ng Indian community mula sa Iloilo at Antique para magsampa ng reklamo laban sa ilang official ng Bureau of Immigration.
Ayon Kay Atty. Boy Magpantay, kasong kidnapping at extortion ang kanilang isinampa laban sa 14 na immigration officers.
Sinabi ni Atty. Magpantay na ikinulong ang mga biktima ng mahigit isang linggo kahit kumpleto ang mga dokumento ng mga ito.
Hiningian din aniya ng Immigration officers ng isang milyong piso ang Indian nationals kada isa pero nagkaroon ng tawaran at umabot ito sa P350,000 bawat isa.
Nakarating na rin aniya sa Office of the Ombudsman ang naturang reklamo.
Emosyonal naman ang mga dayuhan dahil sa trauma na kanilang sinapit sa kamay ng mga tauhan ng BI.