Ilang importers, inilagay sa blacklist ng DA

FILE PHOTO

Sinampolan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ang ilang mga importer na sangkot sa agricultural smuggling.

Ayon sa kalihim, blacklisted na ang nabanggit na mga kompaniya na hindi muna isinapubliko ng opisyal.

Desidido umano si Tiu-Laurel na ipa-blacklist ang mga mapagsamantalang mga importer.


Dalawa sa mga ito ay importer ng isda habang isa ang nag-i-import ng bigas at isa naman ang asukal.

Maituturing aniyang economic sabotage ang ginagawa ng mga importer.

Kasunod nito, posibleng ilabas sa mga susunod na buwan ang listahan ng mga importer na isinailalim sa blacklist.

Facebook Comments