Nabuking ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang panggagaya ng ilang indibidwal o nanggagaya bilang mga deputized collecting officer ng ahensya.
Ayon sa OWWA membership processing center, kumukuha umano ng mga service fee o nangongolekta ang mga nagpapanggap na indibidwal ng pera o bayad mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Bukod pa rito, nagbibigay rin umano ang mga ito ng pekeng resibo sa mga naloloko nilang mga Pinoy na nagbabayad ng OWWA membership.
Sa huli, tiniyak ng ahensya na masusugpo na ang anumang mga maling galawan ng mga nasabing indibidwal.
Pinayuhan din ng ahensya ang mga OFWs na maari namang magpunta sa official website ng OWWA kung may mga katanungan o kaya naman sa mga main offices na tanging lehitimo lamang na mga personel ang maaring umalalay sa kanila.