Ilang indibidwal na nagpaturok ng COVID-19 booster shots, iniimbestigahan na ng DOH

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga ulat na may ilang indibidwal ang nagpaturok ng COVID-19 booster shots.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang booster shots ay hindi pa inirerekomenda ng mga lokal na eksperto.

Nais nilang malaman kung paano ang nagiging proseso.


Iginiit naman ni DOH Health Promotion Bureau Director Beverly Ho, mayroong standards ang COVID-19 vaccination program na kailangang sundin, partikular ang two-dose vaccination protocol.

Sinabi naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na mahaharap sa sanctions ang mga doktor na nagtuturok ng booster shots sa kanilang mga pasyente.

Ang mga COVID-19 vaccines ay nananatiling nasa ilalim ng emergency use authorization (EUA).

Facebook Comments