
May mga naitala nang stranded na mga pasahero ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan dahil sa masamang panahon.
Dulot ito ng epekto ng Bagyong Nando na humahagupit sa ilang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.
Sa pinakahuling ulat ng PCG, 28 pasahero, driver at pahinante ang stranded sa anim na pantalan.
Sa kabuuan, nasa sampung barko at limang motorbanca ang pansamantalang nakikisilong para maiwasan ang panganib.
Muli namang nagpaalala ang PCG na iwasan muna ang paglalayag hanggang hindi pa bumubuti ang lagay ng panahon.
Facebook Comments









