ILANG INDIBIDWAL, SUMAILALIM SA ECO BRICKS MAKING TRAINING

Cauayan City, Isabela- Sumailalim sa eco-bricks making training ang ilang residente ng Brgy. Runruno, Quezon Nueva Vizcaya kung saan ang basura ay magiging pera.

Sa pangunguna ni Engineer Ronaldo Dumondon, Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Diadi, sila ay sinanay sa paggawa ng eco bricks gamit ang mga giniling na plastic waste sa kanilang komunidad.

Ayon kay Brgy. Captain John Babliing ang mga nasanay na indibidwal ay tutulong upang mapalakas ang kanilang Innovative Runruno Integrate Sustainable Earn from Waste Program (IRISE) ng kanilang barangay upang kumita at mabawasan ang solid waste sa kanilang lugar.

Dagdag niya, ang proyekto ay di lamang makagagawa ng mga oportunidad sa trabaho kundi makakasuporta din sa implementasyon ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2003 sa kanilang barangay.

Ang IRISE Project ay pinondohan sa ilalim ng 2022 Social Development and Management Program (SDMP) ng barangay katuwang ang FCF Minerals Corporation.

Facebook Comments