Ilang Indonesians na stranded sa Pilipinas, inihatid ng Philippine Air Force sa kanilang repatriation flight

Labing-isang (11) Indonesians ang isinabay ng Philippine Air Force sa kanilang repatriation flight patungong Manado sa North Sulawesi sa Indonesia.

Ang naturang Indonesians na kabilang sa mga na-stranded sa Pilipinas dahil sa COVID-19 restrictions sa domestic at international travel.

Pagbalik ng eroplano ng Philippine Air Force ay sakay na may 51 na mga Pinoy na mangingisda mula sa Manado.


29 sa mga ito ay mula sa General Santos City, lima sa Davao City, walo sa Davao Oriental, pito sa Sarangani, isa mula sa South Cotabato at isa mula sa Sultan Kudarat.

Facebook Comments