Ilang infrastructure projects ng pamahalaan, posibleng maunsyami

Aminado ang Department of Transportation (DOTr) na apektado na ng hindi pa naisasabatas na 2019 national budget ang malalaking infrastructure project ng pamahalaan.

Kabilang rito ang Metro Manila Subway, South Commuter Rail, common station ng LRT AT MRT, MRT-3 Rehabilitation at PNR Bicol Project na magdurugtong sa NCR, Regions III at IV na bubuo sa tatawaging “greater capital region”.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Rail Timothy John Batan – inaabonohan lang ng ilang contractor ang pagtatayo sa mga nasabing proyekto.


Malaking bahagi kasi ng mga pondong gagamitin para sa mga proyekto ay kukunin sa nakabinbin pang 2019 budget.

Samantala, target naman ng Kongreso na madala sa Malacañang ang budget sa linggo para mapirmahan na ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments