Ilang inilikas na pamilya sa Valenzuela, nakauwi na

Nakauwi na ang ang ilang pamilya na pansamantalang inilikas ng lokal na pamahalaan.

Sa datos ng Valenzuela Local Government Unit (LGU), mula sa 305 pamilya na inilikas kahapon na nasa 242 na lamang ang nanatili sa mga evacuation center.

Ang naturang bilang ay katumbas ng nasa 839 na indibidwal na kasalukuyang nasa 13 evacuation centers.


Nabatid na ginawang pansamantalang evacuation center ang mga pampublikong paaralan at health centers.

Ilan dito ay ang Pasolo Elementary School na may nananatiling 53 pamilya, 47 sa Coloong Elementary School, 38 sa A. Fernando Elementary School, 22 sa Bartolome Covered Court sa Veinte Reales, 21 sa A. Deato Elementary School sa Balangkas at 12 pamilya sa Dalandanan Elementary School at 10 sa Luis Francisco Elementary School

Nabawasan na rin amg ilang pamilya na inilikas sa Bisig Day Care Center, 3S Center sa Polo, 3S Center, Dulong Tangke, Malinta, Rincon Elementary School, Poblacion Brgy. Hall at Tagalag Elementary School.

Patuloy naman naka-monitor ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa sitwasyon sa mga nabanggit na evacuation center habang pinapaalalahan ang lahat ng kanilang residente na mag-ingat palagi dahil sa nararanasang masamang lagay ng panahon.

Facebook Comments