Manila, Philippines – Naniniwala si Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago na ‘politically motivated’ ang ilang insidente ng patayan na ikinakabit sa giyera kontra droga.
Ayon kay Santiago, sinasakyan daw ng ilang grupo ang mga kaso ng patayan para siraan si Pres. Duterte.
Sinabi rin ni Santiago, na may mga kapalpakan din ang mga pulis.
Pero iginiit ni Santiago na hindi anti-poor ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga sa kabila ng marami ang napapatay at naaresto ay mula sa mga mahihirap na pamilya.
Aminado rin si Santiago na may suplay pa rin ng droga sa merkado kung saan mula sa dating 10 million pesos ay bumagsak ng limang milyong piso ang halaga ng kada kilo ng shabu.
Facebook Comments