Ilang international flights papunta at mula Maynila, kinansela ngayong araw

Manila, Philippines – Dahil sa sama ng panahon, ilang international flights papunta at mula Maynila ang kinansela ngayong araw.

Karamihan dito ay mga biyahe papuntang Hong Kong kung saan nananalasa ngayon si bagyong Jolina, may international name na “Pakhar”.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang biyahe ng CX 918/ 919 o Manila-Hong Kong-Manila ng Cathay Pacific Airways.


Sa Philippine Airlines naman, kinansela na ang biyaheng PR 300/ 301 at PR 318/ 319 o Manila to Hong Kong at vice versa, gayundin ang PR 382 o Manila to Canton, China.

Facebook Comments