Ilang international passengers ng PAL na taga-Luzon, umalma sa pag-quarantine sa kanila sa Visayas at Mindanao

Umalma ang ilang taga-Luzon na pasahero ng Philippine Airlines kung bakit sa Davao City sila sumailalim sa hotel quarantine habang ang iba naman ay sa Cebu City.

Ayon sa Overseas Filipino Worker (OFW) na si Lala Sorra mula Dubai, UAE, nagtataka sila kung bakit sa hotel sa Davao sila nag-quarantine ng sampung araw, gayung karamihan sa kanila ang mga taga-Luzon.

Nilinaw naman ng OFW na sinagot ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang plane ticket nila mula Davao patungong Manila bukod pa sa kanilang hotel quarantine.


Ilan din sa mga pasaherong galing ibang bansa ay nag-quarantine naman sa hotel sa Cebu City bagama’t sila ay taga-Luzon.

Facebook Comments