Ilang int’l organizations tulad ng ICC, posibleng ginagamit ng mga kritiko para siraan si PRRD

Manila, Philippines – Posibleng ginagamit ng ilang kritiko ng Duterte administration ang International Criminal Court (ICC), Law Asia at International Group of Lawyers (ILG) para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iisa kasi ang tono ng mga kritiko ng Pangulo pagdating sa usapin ng extra-judicial killings o EJK, human rights abuses at anti-drug war campaign.

Aniya, hindi malayong kinukuha ng mga international group ang mga batikos nila laban sa Pangulo base sa ibinibigay na impormasyon ng mga taga-oposisyon o ng mga lokal na kritiko.


Facebook Comments