Manila, Philippines – Positibo sa red tide ang pitong mga isla at Coastal Provinces sa bansa.
Sa abisong inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang mga lamang-dagat mula sa mga sumusunod na lugar:
· Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal Bay at Coastal Waters sa Daram Island sa Western Samar
· Matarinao Bay sa Eastern Samar
· Carigara Bay sa Leyte
· Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental
· Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan
· Coastal Waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo
· Coastal Waters ng Milagros at Mandaon sa Masbate.
Ang sinumang kakain ng mga lamang dagat mula sa mga nabanggit na lugar ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng lagnat, pagkahilo, pagkamanhid, rashes at maging respiratory arrest.