Ilang isla ng Samoa, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

Pacific Ocean – Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang tonga at mga isla ng Samoa sa Pacific Ocean.

Sa datos ng United States Geological Survey, naitala ang sentro ng lindol sa layong 86 kilometers hilagang silangan ng Hihifo, Tonga at timog kanluran ng Apia, Samoa.

May lalim naman itong 10 kilometero.


Tumagal ang pagyanig ng halos isang minuto.

Wala namang inilabas na tsunami warning kasunod ng paggalaw ng lupa.

Facebook Comments