Tampok ang tatlong sikat na isla sa Pilipinas sa Condé Nast Traveler (CNT) Readers’ Choice Awards bilang isa sa mga pangunahing isla na nais bisitahin ng mga turista ngayong taon.
Ayon sa CNT, isang luxury at lifestyle travel magazine na naka-base sa New York, kabilang dito ang Siargao, Palawan at Boracay na kinilalang mga paboritong isla sa Asya.
Nanguna rito ang surfing haven na Siargao habang pumangatlo ang world-class na Palawan at nasa ika-walong puwesto ang Boracay mula sa 85 na nakalistang destinasyon.
Dahil dito, nagpasalamat naman si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa pagkilala na kumakatawan sa pagbangon ng bansa sa industriya ng turismo.
Maliban dito, nasa ika-20 na puwesto rin ang Pilipinas sa listahan ng mga nangungunang bansa sa mundo ayon sa CNT.