Ilang isla sa Pilipinas, nakitaan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 – DOH

Nakitaan ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 ang ilang isla sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), ang National Capital Region (NCR) at NCR Plus — na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang nagpakita ng mabilis na pagtaas ng mga kaso.

Itinuturing naman sa nasa “high risk” classification ang NCR, Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley region, at Central Visayas.


Aminado ang DOH na ramdam na sa ilang rehiyon ng bansa ang epekto ng Delta variant.

Sa katunayan, sa 36 na lugar na binabantayan ng DOH dahil sa “moderate” hanggang “high risk” classification, 8 ang nakitaan ng local cases ng mas nakahahawang Delta variant.

May 21 lugar din ang binabantayan dahil sa mataas o kritikal na antas ng health care at intensive care unit utilization rate.

Sa mga lugar na ito, 11 ang nakitaan ng kaso ng Delta variant, pinakamarami ang sa Bataan, Lapu-Lapu City at Laguna.

Facebook Comments