Ilang Israeli sa Pilipinas, nababahala na rin sa kanilang mga kaanak doon

Ilang Israeli nationals sa Pilipinas ang nababahala na rin sa kanilang mga kaanak sa Israel.

Ito ay lalo na’t mandatory sa mga lalaking Israeli ang tumulong sa militar sa panahon ng giyera.

Ayon kay alyas Yacov, isang Israeli missionary sa Pilipinas, nababahala aniya siya sa kanyang mg kapatid na lalaki sa Israel dahil isasabak na rin sila sa military operations laban sa Hamas terrorist group.


Humihingi naman ng panalangin si alyas Yacov para sa kanyang pamilya sa Israel.

Aniya, 10 taon na siya sa Pilipinas at paminsan-minsan lamang siya umuuwi ng Israel.

Facebook Comments