Ilang items sa 2021 national budget, vineto ni Pangulong Duterte

Vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang items sa 2021 national budget dahil sa kuwestiyon ng legalidad.

Una nang tiniyak ng Pangulo na angkop na gagamitin ng administrasyon ang resources nito para tugunan ang epekto ng pandemya sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, vineto ng Pangulo ang kapangyarihan ng ilang ahensya ng gobyerno na i-retain at gastusin ang revenues na kanilang kinita dahil ito ay labag sa konstitusyon.


Aniya, hinarang ng Pangulo ang ilang mga proyektong isiningit ng mga miyembro ng Kongreso noong budget hearings.

Sa kanyang sulat na ipinadala sa mga lider ng Kongreso, nag-isyu ang Pangulo ng ‘direct veto’ at ‘rider’ provisions sa national budget.

Iginiit ng Pangulo na tungkulin niyang harangin ang anumang tangkang paglabag sa Saligang Batas at iba pang umiiral na batas.

Kabilang sa vineto ng Pangulo ay ang requirement na mag-report sa Kongreso sa kung paano ginagamit ng pamahalaan ang intelligence funds dahil sakop nito ang mga programa at aktibidad na may kinalaman sa national security.

“Confidential o Classified Information” ang mga isyung may kinalaman sa national security at kinikilalang exceptions sa right to information.

Facebook Comments