Ilang Japanese food products, ipinagbabawal kainin – FDA

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkonsumo ng ilang hindi rehistradong food products.

Kabilang na dito ang mga sumusunod:
Bonito Soup Stock
Meito Vitamin C Nodoame Mix Fruits (Herb Candy)
Daiso Select Carbonara Sauce
Hammer On Pretzel Garlic Butter Taste
Daiso Select Sukiyaki Sauce

Lumabas sa FDA post-marketing surveillance na ang mga nabanggit na food products ay hindi dumaan sa tinatawag na registration process at nabatid na walang Certificate of Product Registration na tahasang paglabag sa Republic Act no. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009”


Ayon sa ahensya ang paggawa, importasyon, exportation, pagtitinda o kahit promotion ng mga nabanggit na food products ay mahigpit na ipinagbabawal.

Paliwanag pa ng FDA dahil ang mga ito ay walang certification at hindi nabigyan ng permit, hindi matitiyak ang kaligtasan nang sinumang kakain nito.

Facebook Comments